Hanggang kailan ang proteksyon ng bakuna?
Kumusta mga ka-isyu! On going ang roll out ng bakuna at mahigit sa pitong milyon ang dumating na sa bansa at tuloy-tuloy ang pagbabakuna.
Kami dito sa Radyo Agila ay nananawagan na huwag kayong matakot sa bakuna, iba na ang may depensa, bagaman hindi nangangahulugan na kung bakunado ka na e kampante na at hindi ka na susunod sa health protocols.
Ang totoo hindi pa matiyak ng mga gumawa ng bakuna kung hanggang kelan tatagal ang proteksyon sa ating katawan kapag nabakunahan.
Ang kanilang prediksyon, anim na buwan ang bisa. Kaya ang Center for Disease Control ng U.S., pinag aaralan na magkaron ng booster shots.
Matapos na dalawang beses na mabakunahan ng Pfizer or Moderna vaccine, makalipas ang ilang buwan ang rekumendasyon ay another bakuna bilang booster.
Totoo nga naman na lahat ng bakuna na ginagamit natin ay under experimental stage pa lahat bagaman ito ay ginagamit na sa populasyon.
Kaya nga ang World Health Organization, emergency use list ang ibinibigay, sa bawat bansa ang kanilang FDA ang ibinibigay ay emergency use authorization.
Pero, patuloy pa ring pinag-aaralan at nagkakaron ng adjustment sa mga bakuna, lalo pa nga’t nagkakaron ng mutation o pagbabagong anyo itong Covid-19. Kaya mga kung anu anong variant.
Hindi nga ba ang WHO ay nagbabala na mas magiging deadly daw o nakamamatay ang Covid-19 sa taong ito kaysa 2020. Sa case tracking nakita ang magiging pananalasa pa ng Covid-19 dahil sa natuklasang double mutation sa India.
Sinasabi ding matindi ang epekto ng pandemyang ito ukol sa mental health ng bawat indibidwal. Kaya nga sinisikap ng gobyerno na hanggat maaari ay pabilisin ang roll out ng bakuna, at target na mabakunahan ang nasa 70 milyong filipino.
Kaya lahat na pwedeng bakunahan, magpabakuna na kayo, para tuluyan nang mapigilan ang paglaganap ng Covid-19.