Hanging bridge sa Pio Duran Albay , nawasak

Bumagsak ang hanging bridge sa Pio Duran, Albay dahil sa pagbahang dulot ng walang tigil na pag-ulang dala ng bagyong Kristine.

Ayon sa Pio Duran MDRRMO, bandang  alas 12:04 ng hatinggabi nang tuluyang bumagsak ang hanging bridge matapos bumigay ang concrete base support nito sa magkabilang dulo  at maging ang steel braces ay bumigay.

Natangay ng malakas na agos ng baha sa ilog ang buong structure ng tulay.

Ang hanging bridge ang nag-uugnay sa Barangay patungo sa kabayanan at daaanan ng mga estudyante pumapasok at mga residente nagtatrabaho.

Ilang lugar din sa Albay, ang nakapagtala ng lagpas taong taas ng tubig baha.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *