Harry Styles, Billie Eilish, at Kanye West tampok sa Coachella
Maaaring mapilitang kanselahin ang winter events dahil sa Omicron variant, subali’t plano pa rin ng Coachella organizers na ituloy ang premier desert festival sa April, na katatampukan nina Harry Styles, Billie Eilish at Kanye West.
Kasama rin sa dose-dosenang magpe-perform sa California festival na tradisyunal na siyang pasimula ng music festival circuit, sina Phoebe Bridgers, Megan Thee Stallion, Stromae, Rich Brian, Doja Cat at Karol G.
Hindi naisagawa ang Coachella mula noong 2019. Ipinagpaliban naman ito noong 2020 bago ito tuluyan nang hindi itinuloy ng organizers, kung saan napilitan silang hindi rin ito ituloy noong 2021 dahil sa pandemya.
Ang 2022 edition ay nakatakdang ganapin sa April 15-17 at April 22-24, kung saan inaasahang tatakbo ito sa full capacity o 125,000 festival-goers bawat araw.
Magpapatupad naman ng proof of full vaccination o isang negative Covid-19 test na kinuha sa nakalipas na 72 oras, bilang entry policy.
Inaasahan din sa Coachella ang iba pang major tours mula kay Dua Lipa, Justin Bieber, the Weeknd at Elton John.