Hatid-sundo ng mga non-APOR sa mga APOR, pinayagan na
Pinayagan na ng Philippine National Police ang paghahatid-sundo sa mga Authorized Persons Outside Residence (APOR) gaya ng mga medical frontliner at iba pang essential worker sa panahon ng implementasyon ng Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila simula sa August 6 hanggang 20.
Matatandaang kahapon ipinahayag ni PNP Chief General Guillermo Eleazar na ipagbabawal nila ang hatid-sundo ng mga non-APOR sa mga APOR sa Metro Manila na umani naman ng kabi-kabilang batikos.
Ayon sa PNP Chief, ginawa niya ang paglilinaw matapos siyang makahingi ng gabay kay Interior Secretary Eduardo Año at ng National Task Force Against COVID-19.
Gayunman, kailangan ay makapagprisinta ang non-APOR ng certification of employment mula sa kaniyang APOR employer o ID na nakalagay ang pangalan ng driver, contact number at detalye ng behikulong ginagamit at maging ang contact number ng employer.