Hatol ng mababang hukuman sa isang akusado ng iligal na droga sa Tarlac City, kinatigan ng CA
Kinatigan ng Court of Appeals ang hatol ng mababang hukuman sa isang akusado ng iligal na droga mula sa Tarlac City.
Sa desisyon ng CA Special 17th Division, ibinasura ang apela ng akusadong si Eduardo Leyva Cariño na hinatulang guilty sa paglabag sa Section 6 ng RA 9165 o Maintenance of a Drug Den at paglabag sa Section 11 o pag-i-ingat ng ilegal na droga.
Batay sa desisyon na isinulat ni CA Justice Marlene Gonzales-Sison pinagtibay nito ang naging hatol ng Tarlac City RTC laban kay Cariño na habambuhay na pagkakakulong at 20 taon pa at multang kabuuang walongdaang libong piso.
Binigyang bigat ng Appellate Court ang mga ebidensya naiprisinta at testimonya ng mga testigo laban sa akusado.
Noong Hunyo ng 2009, sinalakay ng PNP Tarlac City ang tahanan ni Cariño sa Mc Arthur Hi-way Block 3, San Nicolas Tarlac City matapos makumpirma ang report kaugnay sa iligal na aktibidad nito.
Ulat ni: Moira Encina