Head coach ng Milwaukee Bucks sinibak
Sinibak ng Milwaukee Bucks ang kanilang head coach na si Adrian Griffin.
Sinabi ng general manager ng Bucks na si Jon Horst, “This was a difficult decision to make during the season. We are working immediately toward hiring our next head coach. We thank Coach Griffin for his hard work and contributions to the team.”
Ang kuwarenta’y nueve anyos na si Griffin, ay itinalaga noong Hunyo matapos ang biglaang pagpapatalsik sa pinalitan niyang si Mike Budenholzer, na tinanggal matapos bumagsak ang Bucks sa playoffs noong nakaraang season sa unang round.
Ayon kay Horst, “At the time, Griffin had been hired for his championship-level coaching pedigree, character, basketball acumen and ability to connect with players.”
Walang nag-akala na nanganganib ang posisyon ni Griffin, laluna at solido ang naging simula ng Bucks sa season kung saan umani ito ng 30-13 record, na siyang second best winning percentage sa liga.
Ang huling laro ng bucks na pinangasiwaan ni Griffin ay ang laban nito sa detroit piston noong Lunes, kung saan nagwagi ang Milwaukee sa score na 122-113.
Ayon sa koponan, ang assistant Bucks coach na si Joe Prunty ang papalit muna kay Griffin hanggang sa maitalaga ang permanenteng kahalili nito.
Lumabas sa iba’t ibang US media reports, na target ng Bucks ang dating head coach ng Philadelphia na si Doc Rivers bilang pangmatagalang kapalit ni Griffin.