Health advocates nanawagan sa publiko na suportahan at makilahok  upang maipasa na agad ang Universal Health Care bill

Pagtitibayin umano ng Department of Health o DOH ang ang kanilang panukala na taasan ang Tobacco Excise tax rate sa 90 piso kada pakete ng sigarilyo.

Sinabi ni  Health secretary Francisco Duque na kailangan itong maisakatuparan upang mapondohan  ng kagawaran  ang gugulin  sa Universal Health Care Law.

Ayon sa kalihim, , mangangailangan ang ahensya ng 769.55 billion pesos sa unang apat na taon na pagpapatupad ng nasabing batas.

Kapag naitaas  ang presyo ng sigarilyo,  maaari  umanong  makalikom ng 37.2 billion pesos ang kanilang panukala  upang mapunan ang pondo sa pagpapatupad  ng UHC law.

Samantala, nanawagan naman si Mr. Ralph Emerson Degollacion  ang  Project manager ng Health Justice Philippines  sa publiko at sa mga health advocates na tumulong at suportahan ang Universal Health Care  bill upang ito ay maipasa na.

Mr. Ralph Emerson Degollacion:

“Makilahok tayo sa usapan na ito habang anjan pa yan nakahain pa at kahit na nasaisabataas na yan,  tatanungin natin ang ating mga decision makers ang mga putiliko natin dahil minsan sasabihin nila. Ngayon, kasi mag e election, lahat sila, talagang gustong gusto yung mga ganyang  usapan—pero makalipas ang election at anjan na ho ulit sila, minsan nagkakalimutan”

 

Ulat ni Belle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *