Health advocates at stakeholders nagsama sama para pag-usapan kung paano maipapaalis ang TRO ng SC sa isyung may kinalaman RH Law
Dalawang araw pag uusapan ng health advocates at stakeholders na concerned sa full implementation ng Reproductive Health Law at Responsible Parenthood Law kung paano maalis ang mga balakid sa pagpapatupad ng naturang batas.
Sinimulan ito ngayong araw at magpapatuloy hanggang bukas.
Ito ay sa pangunguna ng Philippine Legislator’s Committee on Population and Development o PLCPD katuwang ang lima pang NGO’s at sa pagsuporta ng European Union at Oxfam.
Ayon kay PLCPD Executive Director Romeo Dongeto, nahaharap sa legal challenges ang naturang batas at dito ay kasama ang contraceptives na ginagamit ng kababaihan para makapag-plano ng pamilya.
Patuloy na hinihiling ng mga health advocate at cause oriented groups na alisin na ang Temporary Restraining Order sa contraceptives.
Ito anila ay pagsikil sa karapatan ng kababaihang gumagamit ng contraceptives.
Binigyang diin ni Dongeto na kapag ang hindi naalisang TRO, magdudulot ito ng seryosong suliranin sa bansa tulad ng pagtaas ng populasyon, pagtaas ng kaso ng teenage pregnancy, abortion at ang lalong masama, magiging dahilan para lalong maranasan ng maraming pamilya ang kahirapan ng buhay.
Ulat ni : Anabelle Surara