Health care capacity ng mga hospital sa bansa , sapat sa gitna
Tiniyak ng Malakanyang na sapat ang health care capacity ng mga hospital sa bansa sa gitna ng inaasahang paglobo ng kaso ng COVID-19 ngayong holiday season hanggang sa pagsalubong sa bagong taon.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque hindi kukulangin ang bed capacity ng mga hospital dahil pinaghandaan na ito ng Department of Health o DOH.
Ayon kay Roque nakaantabay ang One Hospital Command Center na pinamumunuan ni Health Undersecretary Leopoldo Vega para hanapan ng accomodation ang mga pasyenteng dapat na dalhin sa hospital dahil sa kaso ng COVID 19.
Inihayag ni Roque mahigpit na binabantayan ng National Task Force ang mga lugar na may naitalang pagtaas ng transmission rate ng COVID-19 ngayong holiday season na kinabibilangan ng Metro Manila, Region 2, Cordillera Administrative Region o CAR, Region 4A o CALABARZON at Davao Region.
Vic Somintac