Health care workers, Frontliners at Senior Citizens, tiniyak na prayoridad ng Manila LGU pagdating ng COVID-19 vaccine
Tiniyak ni Manila Mayor Isko Moreno na ang mga Health care workers, Frontliners at Senior citizens ang kanilang magiging prayoridad sa oras na dumating na ang mga COVID-19 vaccine.
Una rito, inanunsyo ni Manila Mayor Isko Moreno na may tiyak na 800,000 doses na ng COVID-19 vaccine ang lungsod.
Ayon sa alkalde, sa Maynila ay mayroong humigit-kumulang 150,000 Frontliners at Senior citizens na unang mababakunahan.
Sunod namang prayoridad aniya na mabakunahan ay ang mga nagpre-register na nais nilang makatanggap ng COVID-19 vaccine.
Sa ngayon aabot na sa mahigit 63,000 Manilenyo ang nag-pre-register sa www.manilacovid19vaccine.com.
Madz Moratillo