Health clinic sa Legazpi City, Albay, itinayo ng AFP at US military
Natapos na ng mga miyembro ng US military at Armed Forces of the Philippines ang konstruksyon ng health clinic sa Brgy. Taysan sa Legazpi City, Albay.
Ito ay bahagi ng multilateral exercise na Pacific Partnership 2021.
Ayon sa US Embassy, tinatayang 200 pamilya at 16,000 residente na naninirahan sa paligid ng Brgy. Taysan ang mapagkakalooban ng medical care dahil sa natapos na pasilidad.
Ang nasabing barangay ay madalas na tamaan ng bagyo at iba pang natural na kalamidad.
Ang health facility ay may sukat na 5-by-6-meter.
Ang Pacific Partnership 2021 ang unang pagkakataon para sa Naval Construction Force, 9th Engineer Support Battalion, at AFP para magtulungan sa isang proyekto mula nang magka-pandemya.
Moira Encina