Health expert, iginiit na palakasin muna ang 1st Booster shot vaccination
Abangan nalang ang reformulated COVID- 19 vaccine.
Yan ang payo ng infectious disease expert na si Dr. Edsel Salvaña sa mga miyembro ng general population na nag- aabang ng 2nd booster.
Ang reformulated vaccines na ito aniya ay mayroon naring mas malakas na pangontra sa Omicron variant.
Kasabay nito, iginiit ni Salvaña na batay sa mga pag-aaral nananatili paring malakas na depensa sa COVID- 19 ang 3 dose ng bakuna o iyong primary vaccine plus 1 booster shot.
Ang mga immunocompromised, senior citizens at health workers aniya ang mas nangangailangan ng 2 booster dose dahil narin sa kanilang sitwasyon.
Sa halip na pag-usapan ang 2nd booster sa general population, mas dapat aniyang tutukan muna ang pagpapalakas ng bakunahan para sa 1st booster dose na hanggang ngayon ay matumal parin.
Sa datos ng Department of Health, nasa 14.8 milyon palang ang may booster shot sa bansa habang may humigit kumulang 58 milyon ang maaari nang bigyan ng booster subalit ayaw naman magpabakuna.
Madelyn Villar – Moratillo