Health Facilities Enhancement Program ng DOH, lalong pinalakas
Pinasinayaan ang dalawang health facilities sa Department of Health o DOH Region 4-A o ang Calabarzon Region (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon).
Ayon kay DOH Region 4-A Director Eduardo Janairo, ang dalawang pasilidad ay magkakaloob ng curative, preventive, at promotive health care services.
Partikular na makikinabang dito ang mga indigent patients at magsisilbing primary health care sa naturang rehiyon.
Sinabi pa ni Janairo na naitayo ang mga health facilities sa ilalim ng programa ng DOHna tinawag na health facilities enhancement program o HFEP.
Nilalayon aniya ng nasabing programa na i-upgrade ang Health facilities, makapagsagawa ng mga trainings para sa Health professionals at mapaunlad ang pagbibigay ng dekalidad na serbisyo pagdating sa kalusugan ng mamamayan.
Binigyang diin pa ni Janairo na sa pangangalaga ng kalusugan, mahalaga na maunawaan ang current health practices, gayundin ang pangangailangan ng komunidad, ano ang mga health care services na available at ano ang uri ng pangangalaga sa kalusugan na nais matanggap ng mamamayan.
Kailangan din anyang matiyak na ang pangangailangan sa pangangalaga sa kalusugan ng komunidad ay sapat, mahusay at available sa tao 24/7.
Samantala, kabilang sa bagong ipinatayong health facilities ay sa Laguna Provincial hospital – Majayjay district hospital sa Laguna at Molino 3, City health office sa Bacoor, Cavite.
Ulat ni Belle Surara