Health facts sa pag-iwas sa cardiovascular diseases tinalakay sa World Heart day
Ipinagdiwang ang World Heart Day nito lamang Setyembre a 29 na may temang “Use Heart For Every Heart”.
Isa ang Philippine Heart Association o PHA sa mga nagsagawa ng aktibidad kaugnay ng nasabing okasyon.
Sa ginanap na Usapang Puso sa Puso forum na inorganisa ng PHA muling binigyang- diin ang ilang health facts upang maiwasan ang ibat’t ibang uri ng cardiovascular diseases.
Sinabi ng mga heart specialist mula sa PHA na kung titigilan ng isang smoker ang paninigarilyo, bababa ng 50% ang panganib na dapuan ng sakit sa puso pagkatapos ng isang taong pagtigil sa paninigarilyo.
Iniuugnay din ng mga eksperto sa puso ang pagkunsumo ng isang servings ng sugar sweetened beverages kada araw sa ikapagkakaroon ng heart disease at stroke.
Ayon sa cardiologist, ang limang servings ng prutas at gulay bawat araw ay nakapagpapababa ng mortality.
Samantala, ang pagkunsumo ng isang kutsara ng asin o mas kaunti pa rito kada araw ang rekomendasyon ng World Health Organization o WHO para mahadlangan ang heart disease.
Dagdag pa ng mga heart specialist, ang isang oras na moderate-intensity ng aerobic physical activity at least 5 days a week ay may malaking maitutulong upang maiwasan ang sakit sa puso.
Belle Surara