Health fair na tinawag na Kilusang malusog na baga, isasagawa ng Philippine College of Chest Physicians kaugnay ng National Lung Month celebration
Ang mga pulmonary diseases ang karaniwang nagiging dahilan ng pangkaraniwang pagkaka-ospital ng maraming mga kababayan natin, pagliban sa trabaho at maging ang pagkamatay.
Nangunguna dito ang smoking related diseases tulad ng COPD at lung cancer.
May mga namamatay din sanhi ng Pneumonia.
Ang nakalulungkot pa ang sakit na TB ay nagpapatuloy habang ang hika naman ay karaniwang sanhi ng pagliban mula sa paaralan o kaya naman ay sa trabaho.
Kaugnay nito, bilang bahagi ng selebrasyon ng Lung month ngayong Agosto, magsasagawa ang mga espesyalista sa sakit sa baga o mga Pulmonologist mula sa Philippine College of Chest Physicians ng aktibidad na tinawag nilang kilusang malusog na baga, isang health fair at Zumbaga na libreng daluhan ng publiko.
Dito ay magkakaloob ang mga Pulmonologist ng libreng konsultasyong medikal at lectura upang magkaroon ng kabatiran ang publiko tungkol sa mga sakit sa baga, paano ito maiiwasan, malulunasan at ano ang malaking epekto nito sa kalusugan, sa buhay at pamumuhay ng tao.
Gaganapin ang naturang aktibidad sa Linggo, sa Q.C Memorial Circle alas 6:00 hanggang alas 12 ng tanghali.
Ulat ni: Anabelle Surara