Health Sec. Duque, maaaring makasuhan ng graft sa anomalya sa pagbili ng medical supplies

Maaari umanong makasuhan ng graft si Health Secretary Francisco Duque III kaugnay ng nadiskubreng overpricing sa pagbili ng medical supplies ng Department of Health (DOH).

Ayon kay Senador Richard Gordon, Chairman ng Senate Blue Ribbon committee, mali ang ginawang paglilipat ng pondo ng DOH sa Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM).

Liable aniya sa negligent si Duque at plunder ang nangyari.

Tinukoy ni Gordon ang nangyaring double payments sa PS-DBM dahil matapos ilipat ng DOH ang pondo, tila nagsilbing online shopping platforms ang PS-DBM at ibinenta sa mga ahensya ang mga medical supplies gaya ng personal protective equipments at facemasks.

Meanne Corvera

Please follow and like us: