Health supplements, isa sa gagawing batayan ng Food and Nutrition Research Institute o FNRI sa kanilang pag-aaral tungkol sa kalusugan ng mga Pilipino
Suliranin pa rin ng bansa hanggang sa kasalukuyan ang Malnutrition.
Sa ginawang pag-aaral ng isang international organization na Save the Children, pang-96 ang Pilipinas sa mga bansa na may pinakamaraming bilang ng malnourished children.
Pang- siyam naman sa 10 bansaang Pilipinas na may pinakamaraming bansot o stunted sa edad na lima pababa.
Kaugnay nito, isa ang Food and Nutrition Research Institute ng Department of Science and Technology o DOST-FNRI na tumutulong sa bansa sa pananaliksik sa kalagayang pangkalusugan ng mga Pilipino.
Ayon kay FNRI Director Mario V. Capanzana, isinama nila ang Health supplements sa kanilang pag aaral upang matiyak kung ito ay nakatutulong sa kalusugan ng mga Pilipino.
Sinabi ni Capanzana na gusto nilang alamin kung ano ang kontribusyon ng health supplements na iniinom ng mga Pilipino sa kanilang daily nutrients requirements.
Dr. Mario V. Capanzana, FNRI, Director
“Kung alam po namin kung anong klase ung iniinom ng isang indibidual, maaari naming ma-compute, ung total iron intake, calcium intake, at ito po ay isang mahalagang bahagi para makita natin kung tayo ay over na o defficient pa sa specific nutrient.”
Payo ng DOST-FNRI , hindi masama ang uminom ng health supplements, lamang, dapat na matiyak na ito ay angkop sa medical condition ng katawan.
Ulat ni Belle Surara