Health workers at mga immuno compromised bibigyan ng booster shot -DOH
Bibigyan ng booster shot ng Covid 19 vaccine ang mga healthcare worker at mga immuno compromised dito sa bansa.
Ito ang kinumpirma ni Health Usec. Myrna Cabotaje sa isang online forum.
Pero ayon kay Cabotaje, hindi palang tiyak kung kailan ito ibibigay sa kanila.
Sa ngayon kasi ay patuloy parin aniya ang pag-aaral ng mga eksperto dito sa bansa hinggil sa booster shot.
Ang general rule kasi aniya sa ngayon ay 1 taon pagkatapos ng primary dose ibinibigay ang booster shot.
Para naman sa general population, patuloy parin aniya ang pag-aaral ng mga eksperto hinggil sa booster shot.
Pero ikinukunsidera aniya ng Department of Health na makasama ito sa mga paglalaanan ng pondo para sa 2022.
Madz Moratillo