Health workers sa Maynila na nabakunahan na kontra Covid-19, halos nasa 4,000 na
Umabot na sa 3,947 Healthcare workers sa Maynila ang nabakunahan na kontra Covid-19 na Sinovac at Astrazeneca.
Kabilang sa mga nabakunahan ay mula sa anim na District hospitals sa Lungsod.
Pero sa Astrazeneca vaccines, ginawang prayoridad ang mga nasa edad 60 pataas na Health workers.
Ang bakuna kasi ng Sinovac ay pwede lamang sa mga nasa edad 18 hanggang 59 anyos habang ang bakuna ng Astrazeneca ay pwede naman sa mga nasa edad 18 paataas.
Samantala, umabot na rin sa 101,658 ang mga residente sa Maynila na nagpapre-register para sa bakuna sakaling maging available na rin ito sa iba pang miyembro ng populasyon.
Sa ngayon kasi ay inuuna munang tapusin mg Gobyerno ang pagbabakuna sa mga Health worker.
Sa datos ng Department of Health (DOH), nasa 1,125,600 doses na ng Covid- 19 vaccines ang dumating sa bansa.
Sa bilang na ito, 96% na umano ang naideliver ng DOH sa 929 vaccination sites sa buong bansa.
Madz Moratillo