Healthcare workers ng San Lazaro Hospital babakunahan na rin kontra COVID- 19
Sinimulan na rin ang vaccination activity para sa healthcare workers ng San Lazaro Hospital.
Ayon kay Doctor Ferdinand de Guzman, tagapagsalita ng San Lazaro Hospital, nasa 300 vials ng Sinovac vaccine ang inisyal na ipinagkaloob sa kanila.
Unang nabakunahan sa San Lazaro Hospital si Doctor Rontgene Solante, head ng infectious disease and tropical unit ng pagamutan.
Nasa 178 medical frontliners ng San Lazaro Hospital ang inaasahang magpapabakuna 19 ngayong araw.
Matatandaang sa San Lazaro Hospital na-admit ang pinakaunang kaso ng Covid 19 sa bansa.
Dito rin naitala ang unang kaso ng pasyenteng nasawi dahil sa COVID- 19.
Nabatid na noong nakaraang taon umabot sa 160 empleyado ng Ospital ang nagpositibo sa COVID 19.
Madz Moratillo