“Healthy baon for healthy kids”, kampanya ng isang environmental watch group kaugnay ng buwan ng nutrisyon
“Healthy diet, gawing habit, for life” ito ang tema ng buwan ng nutrisyon na ginugunita sa buong Pilipinas ngayon Hulyo.
Kaugnay nito, isinagawa ang joint activity ng Ecowaste Coalition at Sto. Cristo Elementary School sa Q.C. na dito ay kanilang binigyang diin ang mga healthy meal na makatutulong sa mga mag aaral sa naturang paaralan upang maging malusog ang katawan.
Sa pamamagitan ng banner na nagsasaad na “ nutritious food, healthy kids, zero waste school” bilang backdrops, tutugunan ng mga guro at ng mga environmentalist ang inilabas na polisiya ng DEPED tungkol sa mga pagkaing dapat at hindi dapat na ihain sa school canteen.
Sinabi ni Daniel Alejandre, zero waste campaigner, Ecowaste Coalition na malaki ang maitutulong ng healthy diet sa bahay at sa paaralan upang kahit paano ay mapababa ang bilang ng mga bata at adults ng nagiging obese at overweight at mahadlangan ang non communicable diseases.
Samantala, sa demonstration na ginawa, ipinakita sa mga guro, mga magulang, mga bata at mga environmentalist kung anu-ano ang mga recipe na maaaring iluto na may kasamang brown rice.
Kabilang dito ang pinawa pancakes, brown rice spring rolls, brown rice ala spaghetti, malunggay veggie mix, brown rice at champorado bar.
Ulat ni: Anabelle Surara