Healthy diet muling binigyang diin ng mga eksperto sa publiko
Sa pagtatapos ng selebrasyon ng pagdiriwang ng buwan ng nutrisyon, muling ipinaalala sa publiko ang kahulugan ng healthy diet.
Magugunita na ang tema ng Nutrition Month ay “healthy diet, gawing habit for life”.
Ayon naman sa Food and Agriculture Organization ng United Nations, ang healthy diet ay kinapapalooban ng ibat’ibang uri ng pagkain mula sa ibat’ibang grupo ng pagkain… natutugunan ang kinakailangang requirements ng isang indibidual para sa calories at nutrients.
Dapat ang pagkain ay ligtas mula sa toxins, bacteria, molds o kemikal, enjoyable at culturally acceptable, sagana at sapat ito sa araw araw at maging sa buong taon.
Sa panig naman ng World Health Organization, ang healthy diet ay nagbibigay diin sa regular na pagkain ng gulay, prutas, whole grains, root crops, fat-free o low-fat milk, lean meat, poultry, isda, itlog, beans at nuts.
Mababa rin ito sa saturated fats, trans fats, kolesterol, sodium at dagdag na asukal.
Binigyang diin naman ng DOH na paano man natin bigyang kahulugan ang healthy diet, mahalagang isagawa ang pag iingat sa kalusugan sa pamamagitan ng tama at balanseng pagkain, paglalaan ng ehersisyo, pag iwas sa stress at pagiging positibo.
Ulat ni: Anabelle Surara