Healthy Refreshing Calamansi Juice, Peeps!…

logo

Calamansi…araw-araw nating nakikita sa mga pamilihan, kailangan natin hindi lang para sa mga lutuin kundi para sa ating kalusugan, dahil sagana ito sa Vitamin C,  isang immune booster. 

Tinatawag  din itong kalamondin o limonsito at ayon sa Institute of Food Science and Technology o I. F. S. T, available ang calamansi buong taon  bagaman ang pinaka peak season nito ng  pag-ani ay kalagitnaan ng  Agosto hanggang October.

Gaya ng nabanggit, mainam itong pagkunan ng Vitamin C at Vitamin A.  Karaniwan ding ginagamit bilang seasoning sa pagkain at Acidulant sa jams at jellies.

Sa mga hindi nakaaalam, may tinatawag na Luz Calamansi, kuwento ito ng lola ko , sabi niya  ang  luz calamansi ay mas makatas at mas kakaunting buto kaysa sa ordinaryong calamansi. 

Usong uso na rin ngayon ang nakaboteng calamansi juice, isang napagkakakitaang negosyo.  

Pero teka…paano nga ba nagagawang calamansi juice ang isang maliit at bilog na prutas? Paano ba nakatutulong ito sa mga nasa larangan ng food and beverage industry? Ano ba ang teknolohiya na ginagamit upang ang calamansi ay maging juice na mailalagay sa bote at maging sa sachet?

Ayon sa I.F.S.T,  may idenevelop silang technology para sa calamansi na tinawag na Processing of Ready-To-Drink Calamansi Juice.

Ang mga Developer ay sina Dr. Linda B. Mabesa, Dr. Wilson T. Tan, at Mr. Maximo P. Sapin. 1992 nang ito ay kanilang idebelop.

Ayon sa mga nabanggit na developer, ang proseso ng paggawa ng ready to drink calamansi  juice, ay ang  pagpili at paglilinis ng calamansi, paghihiwa ng prutas at pagkakatas o juice extraction, paghahanda o paghahalo ng sangkap ayon sa desired formulation, pasteurization at paglalagay na sa botelya.

Ginagawa ang pasteurization at bottling upang tumagal ang shelf life ng calamansi juice.

Ang naturang produkto ay maaaring ilagay sa ref o sa freezer upang lalong sumarap at mapanatili nito ang freshness sa mahabang panahon.

Hayyy, ang sarap uminom ng calamansi juice, healthy na refreshing pa!

Maaari pang pagkakitaan ng  nasa Micro and Small Scale Food Processors.

Para sa mga nagnanais na makaalam ng technology sa paggawa ng calamansi juice mapabotelya man o mapa-sachet, maaari kayong makipag ugnayan sa Institute of Food Science and Technology na nasa College of Agriculture and Food Science sa University of the Philippines, Los Banos, Laguna.

Please follow and like us: