Heat wave sa Europa, pinatututukan ng DFA sa mga foreign service posts
Inatasan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga foreign service posts ng Pilipinas sa Europa na bantayan ang sitwasyon sa nararanasang heat wave doon.
Ayon sa DFA, sa ngayon ay wala pang natatanggap na ulat ang kagawaran ukol sa mga casualties na Pilipino.
Sinabi ng DFA na inaabisuhan naman ng mga foreign service posts ng bansa ang mga Pinoy community sa Europa na mag-ingat laban sa mga negatibong epekto ng heat wave.
Nakararanas ng matindi at mataas na temperatura ang maraming bansa sa Europa gaya ng Portugal, Spain, UK, France, Italy, Greece, Germany at iba pa na nagdulot ng malawakang wildfires at evacuations.
Ilang katao na rin ang iniulat na nasawi dulot ng record heat wave sa Europa.
Moira Encina