Heatwave ngayon sa India, pinakamatagal na naranasan sa bansa
Ang heatwave ngayon sa India ang pinakamatagal na naranasan sa bansa ayon sa mataas na weather expert, at nagbabala sa publiko na mahaharap pa sila sa mas mainit na panahon.
Ang ilang bahagi ng hilagang India ay naapektuhan ng heatwave mula pa noong kalagitnaan ng Mayo, na may mga temperatura na tumataas nang higit sa 45 degrees Celsius (113 degrees Fahrenheit).
Sinabi ni Mrutyunjay Mohapatra, pinuno ng Meteorological Department (IMD) ng India, “This has been the longest spell because it has been experienced for about 24 days in different parts of the country.”
Ang temperatura ay inaasahang babagsak habang ang taunang monsoon rains ay kumikilos pa-hilaga ngayong buwan, ngunit nagbabala si Mohapatra na mas malala ang susunod.
Aniya, “Heatwaves will be more frequent, durable and intense, if precautionary or preventive measures are not taken.”
Ang India ang pangatlo sa pinakamalaking naglalabas ng greenhouse gases sa mundo ngunit nangakong makamit ang net zero emissions economy sa 2070, dalawang dekada pagkatapos ng karamihan sa industrialised West.
Sa ngayon, lubha itong umaasa sa coal para sa kanilang power generation.
Ayon kay Mohapatra, “Human activities, increasing population, industrialization and transport mechanisms are leading to increased concentration of carbon monoxide, methane and chlorocarbons.”
Dagdag pa niya, “We are endangering not only ourselves, but also our future generations.”
Ipinapakita ng siyentipikong pananaliksik na ang climate change ay nagiging sanhi upang ang heatwaves ay maging mas matagal, mas madalas at mas matindi.