Helene, isa nang malakas na bagyo, nagbabanta sa Florida ng isang “unsurvivable” storm surge
Binaha ng malakas na ulan ang mga kalsada at nagsara ang mga paliparan sa Florida, habang ang tumitinding Hurricane Helene ay kumikilos patungo sa Panhandle region ng estado, na may dalang banta ng isang potensyal na nakamamatay na storm surge sa karamihan ng baybayin nito.
Ayon sa National Hurricane Center (NHC), ang bagyo ay naging isang major Category 4 hurricane nitong Huwebes, na may sustained winds na malapit na sa 130 miles per hour o 209 kilometers per hour, at inaasahang patuloy pang lalakas.
Sinabi ng mga opisyal ng Florida, na si Helene ay inaasahang magla-landfall bandang alas onse ng gabi ngayong Biyernes (oras sa Florida), sa Big Bend region ng estado.
Waves impact a house seawall as Hurricane Helene intensifies before its expected landfall on Florida’s Big Bend, in Eastpoint, Florida, U.S. September 26, 2024. REUTERS/Marco Bello
Nakiusap ang mga opisyal sa mga residente na nasa daraanan ng bagyo na sumunod sa mandatory evacuation orders.
Sa isang video briefing ay sinabi ni Michael Brennan, direktor ng NHC, “The wall of seawater pushed on land by hurricane-force winds, could rise to as much as 20 feet (6.1 meters) in some spots, as tall as a two-story house.”
Aniya, “A really unsurvivable scenario is going to play out in the coastal area, with water capable of destroying buildings and carrying cars pushing inland.”
Ayon sa NHC, ang bagyo ay nasa 130 milya (209 km) kanluran ng Tampa, Florida, hanggang 5 p.m. EDT (2100 GMT).
Waves impact a house seawall as Hurricane Helene intensifies before its expected landfall on Florida’s Big Bend, in Eastpoint, Florida, U.S. September 26, 2024. REUTERS/Marco Bell
Ang malalakas na ulan ay humahampas na sa mga bahagi ng baybayin ng Florida, at ang mga pag-ulan ay una na ring humampas sa Georgia, South Carolina, gitna at kanlurang North Carolina at mga bahagi ng Tennessee. Ang Atlanta, daan-daang milya sa hilaga ng Big Bend ng Florida, ay nasa ilalim ng tropical storm warning.
Sa Pinellas County, na nasa isang peninsula na napalilibutan ng Tampa Bay at ng Gulpo ng Mexico, ang mga kalsada ay napupuno na ng tubig bago pa magtanghali. Nagbabala ang mga opisyal na ang epekto ng bagyo ay maaaring kasing tindi ng Hurricane Idalia noong nakaraang taon, na nagpabaha sa 1,500 tahanan sa mabababang coastal county.
Nagsuspinde na rin ng operasyon ang mga paliparan sa Tampa, Tallahassee at St. Petersburg nitong Huwebes.
Nag-abiso naman si Governor Ron DeSantis sa mga rtesidente ng North Florida na lumikas na bago pa sila mawalan ng panahon.
Sinabi niya sa isang news briefing, “You have time to get to a shelter, but you’ve got to do it now. Every minute that goes by brings us closer to having conditions that are going to be simply too dangerous to navigate.”
A man walks in the rain with bags of groceries as Hurricane Helene intensifies before its expected landfall on Florida’s Big Bend, in Apalachicola, Florida, U.S. September 26, 2024. REUTERS/Marco Bello
Inaasahang mananatiling isang “full-pledged” hurricane si Helene habang bumabagtas ito sa Macon, Georgia, ngayong Biyernes ayon forecasters, kung saan maaari itong magdala ng 12 pulgada (30.5 cm) ng ulan o higit pa, na posibleng makasira sa mga pananim ng bulak at pecan ng estado, na nasa kalagitnaan na ng panahon ng pag-aani.
Ayon kay Georgia Governor Brian Kemp, “The current forecast for Hurricane Helene suggests this storm will impact every part of our state.”
Sinabi ng NHC, na pagkatapos maglandfall sa Florida coast, si Helene ay inaasahang mabagal na kikilos sa Tennessee Valley ngayog Biyernes at Sabado.
Batay sa forecast, ang storm surge ay aabot sa 15 hanggang 20 feet (4.6 to 6.1 meters) sa Big Bend area ng Panhandle region ng Florida, kung saan inaasahang darating ang bagyo sa pampang.
Marami nang paglikas na ipinag-utos sa kahabaan ng Gulf Coast ng Florida, kabilang ang sa Sarasota at Charlotte counties.
Ipinag-utos din ng Pinellas County officials ang paglikas ng long-term healthcare facilities malapit sa baybayin, kabilang ang nursing homes, assisted living centers at mga ospital.
Nagpahayag ng pagkabahala ang mga opisyal ng Tallahassee na ang bagyo ay maaaring magdulot ng hindi pa naranasan noon na mga pinsala.
Sinabi naman ng reinsurance broker na si Gallagher Re, “Preliminary private insurance losses could reach $3 billion to $6 billion, with additional losses to federal insurance programs approaching a potential $1 billion.”
Samantala, binawasan ng energy facilities sa kahabaan ng U.S. Gulf Coast ang kanilang mga operasyon at ipinag-utos ang paglikas sa ilan nilang production sites.
Sa isang White House briefing, ay sinabi ng direktor ng Federal Emergency Management Agency, na si Deanne Criswell, na bibiyahe siya sa Florida ngayong Biyernes.
Si Helene ay inaasahang magbabagsak ng hanggang 15 inches (38.1 cm) ng ulan sa ilang isolated spots pagkatapos maglandfall sa Florida, na magdudulot ng flash at urban flooding, ayon sa hurricane center.
Ayon naman kay NHC Deputy Director Jamie Rhome, “About half of lives lost in hurricanes typically came from flash flooding caused by torrential rain, often among people who drive into flooded roads and are swept away.”
Aniya, “The expected hurricane-force wind impact area stretched around 180 miles (290 km) north from the Florida panhandle to southern Georgia. You need to prepare for prolonged (energy) outages. Those trees are going to come down in strong winds, block roads.”