Hepe ng NBI Cybercrime Division at iba pang opisyal, inirekomendang tanggalin sa puwesto
Inirekomenda ng liderato ng NBI ang pagsibak sa hepe at iba pang opisyal ng Cybercrime Division.
Sa isang statement, sinabi na pinatatanggal ni
NBI OIC Director Eric Distor si Assistant Regional Director Victor Lorenzo bilang pinuno ng NBI-Cybercrime Investigation and Assessment Center (CIAC) at iba pang opisyal ng Cybercrime Division (CCD).
Ito ay habang hinihinitay ang resulta ng imbestigasyon ng NBI Internal Affairs Division
sa sinasabing maanomalyang operasyon.
Hindi naman tinukoy ng NBI ang detalye ukol sa sinasabing anomalya.
Kaugnay nito, ipinagutos ni Distor ang pagrebyu sa mga umiiral na cybercrime and other operational guidelines and procedures.
Sinabi pa ng opisyal na rerebyuhin din ng NBI ang mga panuntunan nito sa mga operasyon gaya ng search warrant operations, intelligence operations, at investigation operations.
Iginiit ni Distor na ang lahat ng operational authority ay dapat magmula at nasa kontrol ng Office of the Director
Layon aniya ng re-assessment na maalis ang pag-abuso sa kapangyarihan at ang anumang isyu sa integridad.
Inihayag pa ni Distor na magpapatuloy ang paglinis sa mga tauhan ng NBI para tanging ang mga highly skilled, competent at deserving ang mananatili.
Moira Encina