Hepe ng Safety Security and Surveillance Office ng Resorts World hindi College graduate
Matapos magusisa ng husto sa ginagawang pagdinig ng Kamara kaugnay sa Resorts World incident, umamin ngayon ang hepe ng Safety Security and Surveillance Office na hindi ito college graduate.
Sa ginawang pagdinig inungkat nina House Majority Leader Rodolfo Fariñas at House Committee on Public Order and Safety Chairman Romeo Acop ang educational background ni Armeen Gomez na siyang hepe ng Safety Security and Surveillance Office ng Resorts World.
Ilang beses pang nasermunan si Gomez ng mga kongresista dahil sa pamali maling petsa ng sinasabi nito ng panahon ng pagpasok at pag alis nito sa Philippine Military Academy.
Sa huli inamin ni Gomez na nadismiss sya sa PMA matapos bumagsak sa isang subject.
Sunod namang kinukwestiyon kung anong kurso ang tinapos ni Gomez na noong una ay iginigiit nyang nagtapos sya ng business course sa ateneo de naga.
Umabot pa sa puntong pinaalalahanan ito ni Fariñas na maaari siyang madetine.
Sa huli umamin si Gomez na hindi ito nakapagtapos ng kolehiyo.
Binigyang diin ni Fariñas ang kahalagahan ng educational background ni Gomez dahil ito ang hepe ng isang malaking establisyimento gaya ng Resorts World na mayroon pa namang ipinagmamalaking state of the art facilities.
Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo