Hepe ng UN nanawagan sa Tunisia na tapusin na ang migrant expulsions
Nanawagan si UN Secretary-General Antonio Guterres sa Tunisia na itigil na ang pagpapatapon ng migrants sa desert border areas, at nag-atas na yaong standed sa nabanggit na mga lugar ay mailipat.
Sinabi ni deputy spokesperson Farhan Haq, “We are deeply concerned about the expulsion of migrants, refugees, and asylum-seekers from Tunisia to the borders with Libya and also Algeria.”
Nagbabala si Haq na “may ilan nang namatay” sa border ng Tunisia sa Libya, habang “daan-daan pa na kinabibilangan ng mga buntis at mga bata,” ang napaulat na stranded pa rin sa disyerto at halos walang mapagkunan ng tubig at pagkain.
Kuwento ng Libyan border guards at ng mga migrante, nitong nakalipas na mga araw, ay daan-daang migrants ang dumating sa Libya makaraan silang iwan sa desert borderland ng Tunisian security forces.
Nang sila ay makarating sa Libya, ang mga migrante na nanggaling sa sub-Saharan Africa ay halos bumagsak na sa pagod at uhaw, sa gitna ng temperaturang lampas pa sa 40 degrees Celsius (104 degrees Fahrenheit).
Ayon sa humanitarian organizations sa Libya, hindi bababa sa 17 katao ang namatay sa nakalipas na tatlong linggo.
Ang Tunisia ay isang pangunahing gateway para sa mga migrante at asylum-seekers na sumusuong sa mapanganib na paglalakbay sa dagat, sa pag-asang magkaroon ng mas mabuting buhay sa Europe, na ang mga pinuno ay nag-alok ng tulong pinansiyal para ayudahan ang Tunisia na mapamahalaan ang pagdating ng mga ito.
Sinabi pa ni Haq, “We reiterate the call made by the UN Refugee Agency and the International Organization for Migration last week for an immediate end to these expulsions and the urgent relocation of those stranded along the border to safe locations.”
Dagdag pa niya, “All migrants, refugees and asylum-seekers must be protected and treated with dignity, in full respect for their human rights regardless of their status and in accordance with international human rights and refugee law.”
Nitong mga nakaraang araw, ay ipinabatid ng Libyan government ng Tripoli na tinanggihan nila ang “resettlement” sa kanilang teritoryo ng mga migranteng dumarating mula sa Tunisia.