Hermitage Museum sa Russia , may 74 na pusa sa basement nito para hindi pasukin ng mga daga

Ang state Hermitage museum sa Saint Petersburg sa Russia, ay isa sa pinakaluma at pinakamalaking museo sa buong mundo.

Itinatag ito noong 1754 ni Russian Empress Elizabeth Petrovna.

Naglalaman ito ng napakalaking koleksyon ng higit sa tatlong milyong mga items, at namalaging bukas sa publiko mula noong 1852.

Ang museo ay nasa loob ng malaking complex na kinaroroonan din ng mga historically significant buildings, gaya ng winter palace na dating tirahan ng mga Russian emperors.

Sa panahon ng pamumuno ni Elizabeth ng Russia noong early 18th century, sinira ng mga daga ang winter palace, kung saan ni-raid ng mga ito ang royal kitchens at sinira ang mga woodworks.

Dahil dito ay ipinag-utos ni Elizabeth na maglagay ng mga domestic cats sa palasyo para bantayan ang mga basements at hallways, upang mapuksa ang lumalagong bilang ng mga daga.

Nang maging museo ang palasyo, namalagi ang mga pusa roon para bantayan at protektahan ang mga koleksyon mula sa mga daga.

Noong  2007, ay nag-adopt na rin ng mga pusang gala o stray cats ang Museum administration.

Sa kasalukuyan ay mayroong 74 na pusang naninirahan sa basement ng Hermitage museum.

 

==============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *