Hidilyn, hindi lalahok sa World Weightlifting Championships sa Uzbekistan
Nagpasya ang Tokyo Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz, na huwag lumahok sa World Weightlifting Championships na gaganapin sa Tashkent, Uzbekistan sa Dec. 7-17 sa pagsasabing hindi pa siya handa.
Ayon kay Diaz . . . “I know a lot of Olympian aren’t joining. I prefer to compete against the best. I’ve been training only three or four times a week lately. I don’t think I’ll be able to sustain my performance in Tokyo. I’m told many of the Olympians are still recovering and enjoying their rest after training for so long.”
Priority ngayon sa schedule ni Diaz na tapusin ang kaniyang thesis para sa kaniyang Business Administration degree sa College of St. Benilde. Aniya apat o limang termino na lang bago niya makuha ang kaniyang diploma.
Abala rin ang kaniyang management team sa pamimili sa iba’t-ibang endorsement offers.
Ayon kay Diaz . . . “Dapat swak sa values ko as an athlete at person, also dapat maganda ang principles ng company.”
Hindi rin prayoridad sa ngayon kung saan siya mamamalagi. Kabilang sa Olympic incentives niya ay mga bahay sa Tagaytay, Batulao at Zamboanga at isang condo sa Eastwood.
May posibilidad na sa Tagaytay siya maglagi kung saan magtatayo si Philippine Olympic Committee (POC) president Cong. Bambol Tolentino ng isang training facility na may weightlifting component.
Hindi rin niya isinasara ang pintuan sa imbitasyon ni Tolentino na lumahok siya sa 2024 Paris Olympics.
Kung sakali ay magiging ika-5 kampanya na niya ito. Nag-uwi si Diaz ng silver sa ikatlo niyang Olympics, habang ginto naman sa kaniyang ika-4.
Sa ngayon, si Diaz ay naka-commit lamang sa SEA Games sa Mayo at sa Asian Games sa September.
Plano ni Diaz kasama ang coach/fiancé nito na si Julius Naranjo, na muling magsimula ng training sa Malacca sa March, 2022 para sa SEA Games.