High paying jobs, kailangan ngayon ng Gobyerno para bawasan ang matinding kahirapan

Nanawagan si Senator Sonny Angara sa pamahalaan na unahin ang paglikha ng mga high-paying jobs.

Ayon kay Angara, nakakabahala ang report ng World Bank na sa kabila ng pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas, mas marami pa rin ang naghihirap.

Katunayan sa datos aniya ng World Bank, umaabot pa sa 22 million Filipinos ang nasa lebel ng national poverty line.

Ayon kay angara ang pagbibigay ng disente at permanenteng trabaho pa rin ang susi laban sa kahirapan at maiangat ang buhay ng bawat pamilya.

Inirekomenda ng Senador sa Gobyerno na palakasin ang Republic Act 10691 o Public Employment Service Office at solusyunan ang Job mismatch.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *