High -profile killings na nagaganap, bahagi ng destabilization plot laban sa Duterte administration – Malakanyang

 

Pinaghihinalaan ng Malakanyang na bahagi ng destabilisasyon ang nagaganap na pagpatay sa mga high profile victims.

Sinabi Presidential spokesman Harry Roque ang sunod-sunod na pagpatay sa mga kilalang personalidad ay naglalayong pababain ang tiwala ng publiko sa administrasyon kaugnay ng peace and order situation.

Ayon kay Roque, kapansin- pansin din ang agad na pahayag ng mga kritiko ni Pangulong Duterte na pinalulutang na mayroon ng Culture of Impunity sa bansa.

Inihayag ni Roque hindi sinusuportahan ng Malakanyang ang anumang pagpatay dahil mismong si Pangulong Duterte ang nagsusulong na labanan ang kriminalidad.

Iginiit ni Roque na pipilitin ng pamahalaan na matukoy ang mga salarin sa magkasunod na pagpatay kina Tanauan city Mayor Antonio Halili at General Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *