High Seas Treaty magagamit laban sa 10-dash line claim ng Tsina sa South China Sea
Dapat na pigilan ng lahat ng mga bansa ang Tsina sa mga paglabag nito sa International law.
Ito ang iginiit ni dating Supreme Court Justice Antonio Carpio para mapanatili ang kapayapaan at katatagan sa South China Sea at Asya.
Sa harap ito ng mga patuloy na harassment ng Tsina laban sa mga barko ng Pilipinas at mga mangingisdang Pilipino sa exclusive economic zone ng bansa.
Muling kinastigo ni Carpio ang tahasang paglabag ng Tsina sa UN Charter at sa UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) dahil sa pagbabanta at paggamit nito ng puwersa sa sinumang pinaniniwalaan nitong pumapasok sa teritoryo nito sa South China.
Sinabi ni Carpio na bukod sa UN Charter at UNCLOS ay nilalabag ng China ang Biodiversity Beyond National Jurisdiction (BNJJ) o High Seas Treaty.
Ang nasabing tratado ay nilagdaan ng Pilipinas at iba pang UN member states kabilang ang Tsina noong nakaraang taon sa UN General Assembly.
Ito ay legal na basehan para sa konserbasyon at sustainable na paggamit ng marine biodiversity sa high seas.
Ayon kay Carpio, magagamit ang High Seas Treaty sa mga legal na hakbang laban sa mga aksyon at aniya’y pagnakaw ng Tsina sa South China Sea.
Aminado naman ang law international experts na kailangan na maratipikahan ng hindi bababa sa 60 bansa ang high seas treaty para ito ganap na maipatupad partikular ang pagtatag ng marine protected areas sa South China Sea.
Moira Encina