High tide nagdulot ng pagbaha sa ilang pangunahing kalsada at Barangay sa Dagupan City
Nagdulot ng pagbaha ang high tide sa ilang pangunahing kalsada at pitong barangay sa siyudad ng Dagupan.
Pasado ala-6:00 kaninang umaga, ay nasa 1.05 meters ang taas ng tubig-baha. Inaasahan namang bababa na ito mamayang alas-4:00 ng hapon.
Dahil ang Dagupan City ay nasa northwestern portion ng Pangasinan at nakaharap sa Lingayen Gulf, dagdag pa ang average elevation nito na one meter above sea level, ang malaking bahagi ng siyudad ay apektado ng pagbaha kapag high tide lalo na kapag may bagyo.
Venus Sarmiento
Please follow and like us: