Higit 1.15 milyong Astrazeneca vaccine na binili ng pribadong sektor, dumating na sa bansa
Dumating na sa bansa ang mahigit 1.15 milyong doses ng Astrazeneca Covid-19 vaccine.
Lumapag ang mga bakuna sa Ninoy Aquino International Airport- Terminal 1 lulan ng China Airlines Flight CI 701 kaninang alas- 10:09 ng umaga.
Ang mga bakuna ay sinalubong nina Chief Implementer at Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr., kasama si Department of Health Secretary Francisco Duque III.
Ang mga bakuna ay ang unang batch ng Astrazeneca na binili ng private companies.
Sinabi ni Presidential adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na inaasahan nila sa kalagitnaan ng Agosto ay darating pa ang ikalawang batch ng mga Astrazeneca vaccine na inorder din ng private sector.
Ipamamahagi ang mga bakuna sa private companies sa susunod na apat na araw.