Higit 1.2 milyong bakuna kontra Covid-19 sa QC, naiturok na
Nasa kabuuang 1,216,568 doses ng bakuna ang naiturok na sa lungsod Quezon sa pamamagitan ng vaccination program.
Ayon sa city government, umaabot na sa 739,911 o 43.52% ng 1.7 Million na target population ng lungsod ang nabakunahan na ng unang dose habang nasa 476,657 o 28.04% ang nakatanggap na ng kanilang second dose.
Ito ay sa kabila ng limitadong suplay ng bakuna.
Patuloy naman ang paghikayat ng city government sa mga residente na magparehistro na sa QC Vax Easy upang makatanggap ng schedule ng pagbabakuna.
Ang mga nabibigyan ng schedule ay alinsunod sa first in, first out system o prayoridad na mabakunahan ang mga naunang nakapagrehistro, depende pa rin sa suplay ng bakuna na dumarating sa lungsod.
Bisitahin lang ang: https://qceservices.quezoncity.gov.ph/qcvaxeasy o bisitahin ang https://qcprotektodo.ph para sa ibang detalye ng vaccination program.
Samantala, para naman sa mga babakunahan ng second dose, paalala ng QC na bumalik sa parehong oras at site kung saan kayo nabakunahan ng unang dose.
Hindi na rin kailangang mag-book pa ng schedule para sa second dose at Dalhin lang ang vaccination card at Valid ID.