Higit 1.2 milyong doses ng Moderna vaccines, dumating sa bansa ngayong umaga

Dumating na sa bansa ang karagdagang 1,233,300 doses ng Moderan Covid-19 vaccines ang dumating sa bansa ngayong araw.

Lumapag ang mga bakuna sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 kaninang alas- 9:19 ng umaga lulan ng China Airlines Flight CI703.

863,800 doses ng mga bakuna ay binili ng pamahalaan habang ang 369,500 doses ay mapupunta sa International Container Terminal Services, Inc.

Sinalubong ang mga bakuna nina NTF chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. at nina United States Embassy’s economic officer Saptarshi Basu, Zuellig Pharma senior vice president Raymond Azurin at Department of Health division chief Dr. Joel Buenaventura.

Sabi ni Galvez, ipamamahagi ang mga bakuna sa mga rehiyon ng Calabarzon, Central Luzon, Davao, Soccsksargen, at Central Visayas at iba pang lungsod na may naitalang pagtaas ng kaso ng Covid-19.

Dahil sa mga bagong dating na bakuna, pumapalo na sa 71.3 milyong bakuna ang dumating na sa bansa at nasa 45.2 million ang naiturok na.

Sa datos ng NTF, nasa 21 milyon na ang fully vaccinated sa bansa habang nasa 24 million ang nakatanggap na ng first dose.

Please follow and like us: