Higit 1.2 milyong refugees tumakas mula sa Ukraine
Higit 1.2 milyong katao ang lumikas mula sa Ukraine patungo sa mga katabing bansa, mula nang ilunsad ng Russia ang kanilang full-scale invasion noong February 24.
Batay sa pagtaya ng UN childrens agency na UNICEF, humigit-kumulang kalahating milyong dito ay mga bata.
Sinabi ng UN Refugee Agency na United Nations Human Rights Council (UNHRC), na inaasahang higit sa apat na milyong Ukrainian refugee ang maaaring mangailangan ng proteksiyon at tulong.
Ayon kay UNHRC communications chief Joung-ah Ghedini-Williams . . . “The rate of this exodus is quite phenomenal. We know that there are many more on the move. Also there are possibly equal numbers inside the country that are internally displaced.”
Sabi naman ng UN International Organization for Migration (IOM), na umalis din sa Ukraine ang mga tao mula sa halos 138 mga bansa, kung saan naitala na 78,800 ay mula sa third countries na tumawid sa Ukrainian borders, kabilang dito ang migrant workers at mga estudyante.
Higit 37 milyong katao ang naninirahan sa ilalim ng kontrol ng Kyiv government, bago nangyari ang pagsalakay noong isang linggo.