Higit 1 bilyong halaga ng shabu nasabat ng PDEA sa 2 Chinese national sa Cavite at Parañaque city
Nasa kabuuang 1.054 bilyong halaga ng shabu ang nasabat mula sa dawalang magkahiwalay na anti-drug operation sa Cavite at Parañaque City
Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, nakilala ang isang Chinese national na si Man Kuok Wong, alias Jose Baluyot Wong, 39-anyos na nadakip sa Villan Nicacia, Tanza Numa 6, Aguinaldo Highway, Imus, Cavite.
Nakuha kay Wong ang nasa 795.6 milyong halaga ng shabu na itinago sa mga tea bag, marked money, cellular phone, isangToyota Corolla na may plate number na TPF 197; Mazda CX-5 with number NCU 5075 at Nissan GTR na may conduction sticker F2P 235.
Samantala, arestado naman sa Parañaque city ang nakilalang si Zhizun Chen, 38-anyos sa parking lot ng isang supermarket sa Barangay Baclaran.
Narekober dito ang nasa 38 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng 251 milyong piso na isinilid din sa mga tea bag, isang mobile phone, maroon Mitsubishi Lancer na may plate number WFG 362, at isang silver Chrysler with plate number WIV 952.
Sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Maj. Gen Vicente Danao na itinurn-over na sa PDEA ang mga nakuhang ebidensya.