Higit 1,000 residente ng Batangas, inilikas na kasunod ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal
Nagpapatuloy ang paglilikas sa mga residenteng apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Sa ngayon, mahigit na sa 1,000 indibidwal ang nailikas na at inaasahang tataas pa ang bilang na ito dahil sa nagpapatuloy na forced evacuation.
Batay sa Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), nasa 13 Barangay sa lalawigan ang apektado ng kalamidad.
Kabilang dito ang:
San Nicolas municipality: Barangays Poblacion at Sinturisan
Laurel: Brgys. Gulod, Buso Buso, Bugaan West, Bugaan East
Agoncillo: Brgys. Subic Ilaya, Banyaga, Bilibinwang Taal: Apacay Tanauan City: Luyos, Boot
Balete: Brgy. San Sebastian
Nasa 345 pamilya naman ang apektado na binubuo ng 1,392 indibidwal na nananatili sa 11 itinalagang evacuation centers.
Habang nasa 28 pamilya o katumbas ng 110 indibidwal ang nasa labas ng mga evacuation center.
Meanne Corvera