Higit 13 milyong halaga ng shabu, nasabat sa police operation sa Digos city
Muling kinilala ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Eleazar ang matagumpay na police operation laban sa mga sindikato ng droga.
Nasa 13.5 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga otoridad sa Barangay Aplaya, Digos city, Davao del Sur at pagkakapatay ng dalawang suspect.
Nakilala ng pulisya ang mga napatay na mga suspect na si alyas Ato at isa pang hindi nakikilalang kasama nito at isa pang kasama ng mga ito na nakilalang si Sheka.
Maliban sa drogang nakumpiska na nagkakahalaga ng milyun-milyong piso, narekober din sa suspect ang isang caliber 38 revolver, ammunitions, drug paraphernalia at iba pang personal na kagamitan.
Ayon kay Eleazar, iniimbestigahan pa ng pulisya kung ang mga suspect ay bahagi ng isang malakihang sindikato ng droga at kung saan kumukuha ng shabu ang mga ito.