Higit 13,000 outbound at 10,000 inbound passengers, naitala ng PCG sa mga daungan sa bansa
Kaugnay sa mahabang bakasyon ngayong linggong ito, umaabot na sa 13,640 outbound passengers at 10,421 inbound passengers ang naitala ng Philippine Coast Guard sa lahat ng pantalan sa bansa.
Una nang inilagay ng PCG sa heightened alert ang kanilang mga district, stations at sub-stations upang mabantayan ang dagsa ng mga pasahero mula pa noong Abril 8 hanggang Abril 18 sa pamamagitan ng kanilang Oplan Biyaheng Ayos.
Nasa 1,965 frontline personnel ang kanilang itinalaga sa 15 PCG Districts.
Kabuuang 156 vessels at 193 motorbanca naman ang kanilang nainspeksyon upang masiguro na ligtas sa mga pasahero.
Hinihikayat din ang mga pasahero na makipag-ugnayan sa PCG sa pamamagitan ng kanilang official Facebook page o Coast Guard Public Affairs (0927-560-7729) kung may katanungan at iba pang concerns kaugnay sa sea travel protocols at iba pang alituntunin.