Higit 140 milyong halaga ng shabu, nasabat sa Pasig city; 2 drug dealer, patay
Nasa kabuuang 149.6 milyong pisong halaga ng shabu ang nasabat mula sa dalawang drug dealer sa isinagawang buy-bust operation sa Pasig city.
Kinilala ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar ang mga napatay sa suspek na sina Arthur Adbul alias “Abdul” at isang hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan.
Maliban sa 22 kilo ng shabu, nakuha rin sa mga ito ang isang 45 at 380 kalibre ng baril.
Isinagawa ang operasyon kagabi sa Axis road, Barangay Kalawaan ng lunsod.
Nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng mga suspect at pulisya matapos matunugan ng mga suspek na mga pulis ang kanilang ka-transaksyon.
Wala namang nasaktan sa panig ng PNP.
Natuklasan na ang mga suspect ay kilalang distributor ni Michael Lucas Abdul, na naaresto sa drug buy-bust operation sa Dasmariñas City, Cavite noong April 26.
Sinusuplay umano sa kanila ang mga droga ng isang alyas Bating, isang Muslim at tao rin ng isang Chinese national.
Sa report ng PNP, nagsasagawa ng iligal na operasyon ang mga suspek sa Regions 3, NCR at 4-A at iba mga lalawigan.