Higit 170 milyong halaga ng mga agrikultura, napinsala ng bagyong Jolina sa Eastern Visayas
Pumalo sa kabuuang 179.57 milyong piso ang halaga ng napinsala sa agrikultura sa Eastern Visayas kasunod ng pananalasa ng bagyong Jolina.
Batay sa initial assessment ng Department of Agriculture (DA), matinding naapektuhan ay ang mga pananim na palay sa rehiyon.
Pumapalo din sa 61,828 magsasaka ang naapektuhan matapos umabot sa 8,855 metriko tonelada at 52,608 ektarya ng taniman ang napinsala ng bagyo.
Matatandaang noong Lunes ng gabi ay nag-landfall ang bagyong Jolina sa Hernani, Eastern Samar matapos lumakas bilang Typhoon.
Please follow and like us: