Higit 18 milyong indibidwal sa bansa, fully vaccinated na kontra Covid-19
Pumalo na sa kabuuang 18.2 milyong Filipino ang nakakumpleto na ng bakuna o fully vaccinated na kontra Covid-19.
Ito ang ipinahayag ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje batay sa datos ng DOH hanggang kahapon, September 18, 2021.
Sinabi ni Cabotaje na umaabot na halos sa 41 milyong doses ng bakuna ang naipamahagi na sa iba’t-ibang bahagi ng bansa habang umaabot naman sa mahigit 59 milyong doses ng iba’t-ibang brand ng bakuna ang natanggap na ng bansa.
Mula sa 40.9 milyong doses na naipamahagi na sa buong bansa, 22.6 rito ay nakatanggap na ng first dose.
Kahapon, dumating sa bansa ang karagdagang 190,000 doses ng Sputnik-V vaccine at nasa 961,000 na Moderna vaccine na binili ng pamahalaan at pribadong sektor.
Sabi ni Cabotaje na bago matapos ang taon ay inaasahang makatatanggap ang bansa ng nasa 195 milyong doses pa ng iba’t-ibang brand ng bakuna.