Higit 2.1 milyong doses ng Moderna at 600,000 doses ng Astrazeneca vaccines, dumating sa bansa ngayong umaga
Higit 2.1 milyong doses ng Moderna at mahigit 660,000 doses ng Astrazeneca vaccines ang dumating sa bansa.
Lumapag ang mga bakuna 9:35 ngayong umaga sa NAIA Terminal 1 lulan ng flight CI 701.
Sinalubong ang mga bakuna nina Health Sec. Francisco Duque III, Presidential Adviser for Entrepreneurship/Go Negosyo founder Joey Concepcion at MMDA chair Benhur Abalos at iba pang opisyal.
Ayon sa National Task Force Against COVID-19, ang 1,384,280 Moderna doses ay mapupunta sa pamahalaan habang ang 747,860 doses ay mapupunta sa private sector.
Sa ngayon, dahil sa mga bagong deliver na bakuna ay pumalo na sa 84,212,309 doses ng mga bakuna ang natanggap na ng bansa.
Kumpiyansa si Vaccine Czar Carlito Galvez, na maaabot ang target na 50 hanggang 70 porsiyentong fully vaccinated individual sa bansa bago matapos ang 2021 kasunod ng ulat na pumalo na sa higit 22 milyong Filipino ang nakakumpleto na ng bakuna as of October 7, 2021.