Higit 20 kumpanya, nag-update ng kanilang pledges kay PBBM
Mahigit sa 20 kumpanya na ang nagbigay umano ng updates ng kanilang pangako kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay ng naging biyahe nito sa Japan noong Pebrero.
Ayon kay Presidential Adviser on Investment and Economic Affairs Frederick Go, tinatamasa na ngayon ng bansa ang mga bunga ng pagbisita ni Pangulong Marcos sa Japan ngayong buwan at noong Pebrero.
Nabatid na sa pagbisita ni PBBM sa Japan ay nagkaroon ng aktuwal na pamumuhunan na humigit-kumulang P169 billion.
Nitong Lunes, nakabalik na sa bansa si PBBM mula sa pagdalo sa 50th ASEAN-Japan Commemorative Summit.
Sa kanyang arrival speech, ipinagmalaki ng Pangulo ang mga naging achievement nito sa nasabing biyahe kung saan nag-uwi siya ng dagdag investment pledges mula sa meeting kasama ang Japanese Business Community.
Ayon sa Pangulo, mayroong P14.5 billion na halaga ng investments at pledges ang pakikinabangan ng Pilipinas na inaasahang makalilikha ng 15,750 na trabaho.
Madelyn Villar-Moratillo