Higit 20 libong indibidwal sa Pulilan nabigyan na ng tulong pinansyal
Tuloy-tuloy ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa bayan ng Pulilan sa Bulacan, at batay sa datos ng treasury office ng nasabing bayan, nasa pitong barangay na mula sa 19 na mga barangay ang nabigyan nan g tulong sa ilalim ng programa ng gobyerno na “Ayuda Emergency Relief Assistance.”
Ayon sa municipal head treasurer na si Len Garcia Atienza, higit 20 milyong piso mula sa 927 milyong pisong pondo na ibinaba ng National Government, ang naipamahagi na sa 20 libong indibidwal na naniniragan sa nabanggit na bayan.
Sinabi ni Atienza, na higit 100 libo ang populasyon sa bayan ng Pulilan, kayat agad silang sumulat sa Dept. of Interior and Local Gov’t (DILG), para sa kaukulang ekstensyon sa pamamahagi ng ayuda.
Paliwanag ni Atienza, hindi kakayaning tapusin sa itinakdang panahon ng ahensya ang pamamahagi, dahil may mga indibidwal pang wala sa listahan ngunit sinisikap ng kagawaran ng pananalapi at ng MSWD, na mabigyan lahat ng tulong pinansyal ang mga naapektuhan ng ECQ, nitong nagdaang Marso.
Batay sa Joint Memorandum Circular No. 1 ng DILG AT NG dbm Circular 136, kasama sa mabibigyan ng ayuda ang mga kabilang sa Bayanihan Act 1 & 2 o SAP beneficiaries, waitlisted, low-income individual, PWD, solo parent, at iba pang nararapat abutan ng tulong.
Samantala, sinabi ni Atienza na may karanasan ang MSWD na may ilang nadoble ang pangalan sa magkahiwalay na barangay. Maaari niyang na-census na ang mga ito sa dati nilang barangay, ngunit nang malipat sa ibang barangay ay muling nagparehistro.
Ito aniya ang dahlan kung bakit nilang i-double check ang master list upang maiwasan ang discrepancy o madoble ang pay out sa isang indibidwal.
Ulat ni Jimbo Tejano