Higit 200 indibidwal, stranded sa Eastern Visayas ports sanhi ng bagyong Agaton
Nasa kabuuang 212 pasahero, drivers at cargo helpers ang stranded sa mga pantalan sa Eastern Visayas dulot ng Tropical Storm Agaton.
Sa ulat ng Philippine Coast Guard, 3 barko ang kabilang sa stranded.
Ang mga nastranded ay nakasilong sa Liloan Port Ferry Terminal at Port of San Ricardo.
Kaninang umaga, nagtaas ng red rainfall warning ang PAGASA sa ilang lugar sa Visayas kabilang ang Leyte at Cebu dahil sa malalakas na ulang dala ng bagyo.
Please follow and like us: